Pangulo ng Senado ng Pilipinas

Pangulo ng Senado ng Pilipinas
Incumbent
Francis Escudero

mula Mayo 20, 2024
IstiloG. Pangulo
(Habang namumuno sa Senado)
Kagalang-galang
(Pormal)
NagtalagaInihalal ng Senado ng Pilipinas
NagpasimulaManuel L. Quezon
NabuoIka-16 ng Oktubre, 1916
HumaliliPangalawa sa Pampanguluhang Hanay ng Paghalili
WebsaytSenado
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
Pilipinas

Ang Pangulo ng Senado ng Pilipinas (Inggles: President of the Senate of the Philippines) ay ang tagapangulo ng Senado ng Pilipinas at siya ring pinakamataas ng opisyal ng naturang kapulungan. Kasunod ng Pangulo at Pangalawang Pangulo ang Pangulo ng Senado ang ikatlong pinakamataas na opisyal ng Pilipinas, at itinatadhanang gumanap bilang Pangulo ng bansa sa panahong wala pang napipili o naging marapat na Pangulo o Pangalawang Pangulo, o sakaling sila ay kapwa mamatay o pamalagiang mabalda.[1]

Batay sa mga Alituntunin ng Senado, ang Pangulo ng Senado gaya ng iba pa nitong opisyal—Pangulo ng Senado Pro Tempore, Kalihim, at Sergeant-at-Arms—ay kailangang ihalal ng mayorya ng kabuoang bilang ng Senado na nangangahulugang dapat maihalal nang may 13 boto man lang,[2] at di-gaya ng Kalihim at Sergeant-at-Arms ng Senado, ang Pangulo ng Senado ay karaniwang isa sa mga kasapi nito o ay isa ring senador, bagaman hindi ito tuwirang itinatakda sa saligang-batas.[3]

Ang kasalukuyang Pangulo ng Senado ay si Juan Miguel Zubiri, na nahalal noong 25 Hulyo 2022, sa pagpapatuloy ng Ika-19 Kongreso.

  1. "Sek. 7, Art. VII, 1987 Konstitusyon ng Pilipinas". GOV.PH. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 8 Hulyo 2017. Nakuha noong 10 Hulyo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Sec. 2, Rules of the Senate of the Philippines" (PDF) (sa wikang Ingles). Senate of the Philippines. Nakuha noong 10 Hulyo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Sek. 16, Art. VI, 1987 Konstitusyon ng Pilipinas". GOV.PH. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 8 Hulyo 2017. Nakuha noong 10 Hulyo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search